Saturday, November 19, 2011

“Magic Sarap”

(Sariling wakas sa nobela ni Valeriano H. Peña.)

Sa gabi ng kaarawan ni Isko, masayang nagdiwng ang mga tagabaryo sa kanyang piging maliban sa mag-asawang Neneng at Narciso. Sa takot ni Neneng na magselos si Narciso ay umiwas na lamang siya sa imbitasyon at nagdesisyong sorpresahin na lamang ang asawa ng kanyang lutong espesyal na adobo at nakakakam na chicken burger with tomatoes, lettuce at kesong Mozarella, at nakakalusog na fruit salad at malamig na coke sakto, tiyak mapapawi ang pagod nito. Habang hinahalo ng maybahay ag mga sangkap ay nabatid niyang kulang pa ang adobo ng silverswan toyo. Pumunta siya sa tindahan ni Aling Nena at dun nagkrus ang landas nila ng naglulumbay na si Isko na mukhang nakainom ng suka marahil na rin sa hindi pagdalo ng dilag sa piging. Binati ni Isko ang sinisinta at nginitian lang naman siya nito. Laglag ang puso ng lasing kaya inanyaya niya ng Redhorse si Neneng. Pinaunlakan ni Neneng ang imbitasyon sa kondisyong uuwi na agad siya pagkatapos ng isang shat. Hindi niya nais matamaan…sa kanyang bana. Nasarapan naman ito kaya bumili na rin siya ng isang the Bar Lemon at limang bote ng Tanduay Ice 5% alcohol para pagsaluhan nilang mag-asawa. Nagpaalam na ito kay Isko na titig na titig sa papalayong bitwin. Naglakad pauwi nang biglang nabali ang killer heels na Leopard print pa, nabasag ang the Bar! Dali-dali naming inalalayan ng desperado ang babae. Pinahiram na lamang ang pekeng crocs na tsinelas sa mutya. Bitbit ni Neneng ang mga alak habang tumatakbo dahil baka naubos na ng mga magnanakaw na pusakal ang kanilang pulutan este espesyal na ulam. Samantala, hindi na mapigilan ni Isko ang kanyang damdamin kaya sinundan niya ang idolong dilag sa tahanan. Nayanig si Neneng sa biglang pagpasok ni Isko sa pamamahay. Lumapit ang matipuno ngunit medyo bastos sa dilag, tinitigan ng mapupungay na mata ang sing itim ng gabing walang bituin na buhok, na tila alon ng karagatan ang pagbagsak sa balingkinitang katawan ng manipis na baro’t sayang tila nais kumawala upang mabatid ng matangkad at gwapong binata ang nakatagong kariktan. Hinila, sapilitang hinalikan, at pinunit ang damit! Nagpumiglas ang babae ngunit di hamak na di lamang doble ngunit triple ang lakas ng lalaki. Dinala siya sa California king bed. Sa isang banda naman habang naglalakad pauwi si Narciso ay biglang kaba sa dibdib. Hindi niya mawari kung saan nagmumulaang nasabing damdamin na tila dama ang daing ng nanglulumong maybahay. Sabay rinig galing sa di kalayuan ang sigaw, “Narciso sundan mo ang amoy!” tumakbo si Narciso at buong-lakas na giniba ang pinto. Nang marinig ni Isko ang yabag ng tulong,  ay dali-daling nagsuot ng pantalon at sa aksyong pagtakas ay nabigtas naman ang peke niyang crocs na tsinelas na nagging dahilan ng pgkahulog nito sa balkonahe. Lungkot na lungkot si Narciso sa nakalupaypay na sinta. Sa halip na sumbatan, pandirian,at kaawaan, niyakap niya ng mahigpit ang minamahal at sinabi ng walang bahid na showbiz ang mga salitang,”Mahal, pangako sa iyo hindi magbabago ikaw lang ang iibigin ko. Asahang di magbabago, ang pag-ibig ko’y para sa’yo lamang kung kaya giliw dapat mong malaman, minsan lang kitang iibigin, minsan lang kitang mamahalin. Ang pagmamahal sa’yo ay walang hangganan dahil ang minsan ay magpakailanman.” Binigyan ni Narciso ng matamis na halik ang giliw sa malambot nitong pisngi na may dumadaloy pang ga luha ng pait at kawalan.
Simula nuon ay walang sawa nang pinupuno ni Narciso ang araw ni Neneng ng tapat at matamis na pag-ibig. Si Isko naman ay pinagbayaran ang kawalang hiyaan sa Muntinlupa at kinalaunay nagsisi at iginugol ang bakanteng mga oras sa paghabi ng basket, paggagantsilyo ng basahan at pagdarasal. Sa paglipas ng mga taon ay lalo naming pinagtibay ang kanilang relasyon ng anak na si Lady Gaga. Diyan na nagtatapos ang kwento ng Magic Sarap. Ang mahikang taglay ng tunay at matamis na pag-iibigan ay kailanman ay hindi mapapabagsak ng masalimuot na pangyayari. Ang tanikalang nagbibigkis sa kanilang mga puso ay maaring kalawangin ngunit kailanm’y hinding- hindi mapuputol ng anuman o ninuman.

1 comment: